Manila Mayor Isko Moreno, pinagalitan ang University of the East

Nakatikim ng sermon mula kay Manila Mayor Isko Moreno ang University of the East.

Ayon kay Moreno, hindi tumalima ang Unibersidad sa kautusan ng Alkalde hinggil sa class suspension bunsod na rin ng nararanasang ulan kahapon dulot ng habagat.

Base sa Facebook page ng UE, sumunod ito sa suspensyon ng panghapong klase pero ala-una na ng hapon ito nagdeklara.


Sa pahayag ng Unibersidad, iginiit nila na sumusunod sila sa utos ng Commission on Higher Education (CHED) na desisyon ng lokal na pamahalaan o pamunuan ng mga eskwelahan na kanselahin o sususpenhidin ang klase sa kolehiyo.

Facebook Comments