Manila Mayor Isko Moreno, tatakbong pangulo sa 2022 national elections – Manila City Public Information Office

167

Kinumpirma na ng Manila City Public Information Office at Campaign Manager ni Manila Mayor Isko Moreno na si Lito Banayo ang pagtakbo ng alkalde sa pagkapangulo para sa 2022 election.

Bagama’t wala pang pormal na deklarasyon mula kay Moreno, sinabi ni Manila PIO chief Julius Leonen na kumpirmado na ang balita.


Makakatambal ni Moreno ang dating senatorial candidate na si Dr. Willie Ong bilang bise-presidente.

Ang pormal na anunsyo ni Mayor Isko Moreno ay ipapalabas sa DZXL 558 KzH Radyo Trabaho at sa lahat ng himpilan ng RMN sa buong bansa sa ganap na alas-10:30 ng umaga mamaya.

Facebook Comments