Manila Mayor Isko Moreno, wala balak tumakbo sa pagkapangulo sa 2022

Walang balak si Manila Mayor Isko Moreno na tumakbo sa anumang mataas na posisyon sa pamahalaan.

Matatandaang kabilang si Moreno sa isa sa mga posibleng iboto ng mga Pilipino sa 2022 Elections batay sa isang survey.

Ayon kay Mayor Moreno, nakatuon lamang siya sa mga hakbang laban sa COVID-19 pandemic at sa nakatakdang vaccination ngayong taon.


Ang mahalaga aniyang gawin ay ang mga plano ngayon at mga gagawin sa mga susunod na buwan at sa pagdating ng bakuna.

Facebook Comments