Nanawagan si Manila Mayor Iskor Moreno sa ibang bansa na huwag kanlungin ang mga kriminal na inaakusahan sa husgado sa Pilipinas.
Ito’y kasunod ng ulat na nakalabas na sa bansa ang tinaguriang Drug Queen na si Guia Gomez-Castro kasama ang kanyang pamilya.
Babala ng alkalde, hindi dapat pinoprotektahan ang mga kriminal.
Sinabi naman ni Dept. of Interior and Local Government (DILG) Usec. Martin Diño, binabantayan nila ang Barangay 484 dahil sa ‘drug ring’ na ipinatakbo ni Castro sa tulong ng mga ninja cop.
Matatandaang may tatlong arrest warrant na kinakaharap si Castro dahil sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act at Bouncing Check Law.
Facebook Comments