Manila Mayor Lacuna, kumpiyansang naging maganda ang performance sa unang taon niya bilang alkalde ng lungsod

Ipinagmalaki ni Manila Mayor Maria Sheilah Honey Lacuna Pangan ang unang taon niya bilang kauna-unahang babaeng alkalde sa Lungsod ng Maynila.

Sa State of the City Address, sinabi ng alkalde na walang naiwan o napabayaan sa kanyang nasasakupan.

Kasunod nito ay nilatag ni Lacuna ang mga napagkalooban ng ayuda, benipisyo at iba pa gaya ng mga sumusunod:
– 180,000 senior citizens;
– 20,000 students ng UDMa at PLM (₱1,000 bawat isa na monthly allowance)
– 4,000 students ng elem at highschool na may uniform, bags, school supplies
– 6,000 senior students
– 14,735 solo parents (₱1-M allowance)
– 35,000 PWDs (₱200M)
– trabaho sa 3,000 tambay na Manileño kasama na ang nakatatanda at mga PWD.


Bukod dito ay ipinagmalaki rin ng alkalde ang programa niyang Kalinga sa Maynila na inilalapit sa mga barangay ang serbisyo ng city hall, ang pagbibigay ng gamot sa 44 na health centers.

Tumanggap din aniya ng award at pagkilala ang Manila LGU sa aspeto ng
turismo, edukasyon, kalusugan, kalikasab, pananalapi at negosyo.

Facebook Comments