Manila Mayor Moreno at Vice Mayor Lacuna-Pangan, stable na ang kondisyon matapos magpositibo sa COVID-19

Nananatiling nasa maayos na kalagayan sina Manila City Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan na kapwa tinamaan ng COVID-19 bagama’t fully vaccinated na.

Ayon kay Dr. Grace Padilla, Director ng Sta. Ana Hospital, posibleng sa Huwebes, August 19 ay makakalabas na at makakauwi ng bahay si Vice Mayor Lacuna-Pangan dahil tinatapos na lamang nito ang kaniyang isolation.

Stable naman ang vital signs ni Mayor Isko na bagama’t nakakaramdam ng pananakit sa katawan ay nabawasan na ang ubo at wala na ring lagnat.


Pagtitiyak naman ni Mayor Isko, bagama’t mayroon silang sakit ni Mayor Lacuna-Pangan ay tuloy lamang ang mga programa ng lokal na pamahalaan ng Maynila.

Facebook Comments