Manila Mayor Moreno, hindi tiyak kung siya ang pinapatamaan ni Pangulong Duterte na hindi marunong mag-organisa sa pamamahagi ng ayuda

Inamin ni Manila Mayor Isko Moreno na hindi ito tiyak kung siya ang pinapatamaan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Talk to the People nito kagabi.

Reaksyon ito ni Mayor Isko matapos sabihin ng pangulo na may isang lokal na pamahalaan sa Metro Manila ang hindi na bibigyan ng kapangyarihang mamahagi ng ayuda sa mga residente dahil hindi umano marunong mag-organisa.

Ayon kay Moreno, wala pa siyang natatangap na mensahe mula sa pangulo kaugnay sa nasabing isyu.


Matatandaang sinabi ng pangulo kagabi na inatasan niya ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na itake-over nito sa pamamahagi ng ayuda sa isang lungsod na hindi naman pinangalanan.

Facebook Comments