Nanguna ang Lungsod ng Maynila sa mga highly urbanized cities; nanguna din sa Local Government Units (LGU) competitiveness at infrastructure ranking.
Nangibabaw ang Lungsod ng Maynila sa taunang listahan na sumusukat sa apat na haligi o pillars: Economic Dynamism, Government Efficiency, Infrastructure, and Resiliency, na nag-angat sa lungsod sa 2020 Rankings of Highly Urbanized Cities na inilabas ng Department of Trade and Industry (DTI), noong Martes, Nobyembre 16.
Sa pamumuno ni Manila City Mayor at Presidential Candidate Isko Moreno, ang Lungsod ng Maynila ay nakakuha ng 65.9782 puntos, na tinalo ang iba pang 32 local government units sa buong bansa.
Pumangalawa naman ang Davao sa puntos na 60.0393 sa ilalim ng awtoridad ni Mayor Sara Duterte, na tumatakbong Bise Presidente sa 2022 polls, at Pasay City sa ikatlo na puntos na 58.6473 sa ilalim ng awtoridad ni Mayor Imelda Calixto-Rubiano.
Ang lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Maynila ay pumasok sa numero uno sa kategorya ng kahusayan at imprastraktura ng pamahalaan na may iskor na 20.5491 at 15.0476, pumangatlo sa economic dynamism na may iskor na 11.1776, at sa resiliency na may markang 19.2039, ayon sa mga ranking.
Ang top 10 sa tuntuning ‘economic dynamism’ pillar, na sumusukat sa prominenteng economic activity at produktibidad ng local government units (LGUs), sa pababang pagkakasunod-sunod, ay ang Pasay, Davao, Manila, Makati, Pasig, Cebu, Paranaque, Iloilo, Mandaue at Zamboanga.
Ang top 10 sa titulong ‘government efficiency’ pillar, na sumusukat sa seguridad at kalidad ng serbisyo publiko at suporta ng gobyerno sa mga tao para sa sustainable industrial development batay sa pagkakasunod-sunod ay ang Manila, Davao, Valenzuela, Caloocan, Makati, Muntinlupa, Pasay, Iloilo, Cagayan De Oro, at Pasig.
Ang mga nangungunang lungsod sa ‘resilience’ pillar para sa kakayahang manatiling mapagkumpitensya at makayanan ang kahirapan sa pababang pagkakasunud-sunod, ay ang Muntinlupa, Valenzuela, Manila, Makati, Davao, Cagayan De Oro, Pasig, Pasay, Caloocan, Bacolod.
Nanguna sa ‘infrastructure’ ranking ang Manila City, kasunod ang Davao, Pasay, Makati, Cagayan De Oro, Muntinlupa, Cebu, Pasig, Bacolod at Paranaque.
Sa huling dalawang taon, pinangasiwaan ni Moreno ang pagtatayo ng mga pampublikong ospital, mga gusali ng pampublikong paaralan, at mga proyektong pabahay para sa mga mahihirap. Ang lahat ng mga proyektong pabahay ay matatagpuan sa mga tenement ng lungsod upang makanlungan ang mga mahihirap.