Naglabas ng mga panuntunan ang pamunuan ng Manila North at South Cemetery sa mga bibisita ngayong darating na Undas.
Una rito ay ang pagpayag sa mga kabataang edad 12 pababa na makapasok sa loob ng sementeryo basta sila ay bakunado kontra COVID-19.
Maaari na ring makabisita ang mga senior citizen sa kanilang mga mahal sa buhay kahit pa hindi sila bakunado.
Inaabisuhan din ang mga bibisita na magsuot ng face mask upang mapigilan ang pagkalat ng virus at buhat na rin ng milyon-milyong Pilipino bibisita sa mga puntod.
Bukas naman ang Manila North at South Cemetery sa publiko simula October 29 hanggang November 2 tuwing alas-5:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.
Samantala, hanggang October 25 na lamang ang huling araw ng paglilinis ng nitso sa mga nabanggit na libingan.