Umaabot na sa higit 14,000 ang bilang ng mga nag-tungo ngayon sa Manila North Cemetery bagamat mainit ang panahon at bukas pa ang undas.
I-kinatuwa ni Mayor Isko Moreno ang malaking pag-babago na nangyari sa North Cemetery, dahil maluwag, malinis at maayos na ito.
Binigyan niya din ng lugar ang mga vendors kung saan ang mga informal settlers naman na dalawang dekada nang nakatira sa loob ng sementeryo ay tutulungan ng lokal na pamahalaan para makauwi na sa kanilang probinsiya.
Nasa 3,825 naman ang bilang ng nag-tungo sa Manila South Cemetery kung saan maayos at waka din problema ang publiko na mag-tutungo dito.
Taliwas naman sa pag-hihigpit ng mga vendors sa loob ng North Cemetery. May ilan indibidwal na patagong nag-titinda sa loob ng South Cemetery.
Ilan din sa mga nakumpsikang gamit sa mga nabanggit ng sementeryo ay mga pintura, pabango, ligther, sigarilyo, vape, MP3, speakers at iba pa.
I-pinaalala din niya ang umiiral na ordinansa sa pani-nigarilyo at pag-inom kung saan panawagan naman niya sa mga magulang na umiiral pa din ang curfew hour kaya huwag hahayaan ang mga menor de edad na abutin ng gabi nang hindi sila kasama.