Inaasahan ngayon ng pamunuan ng Manila North Cemetery na mas lalo pang dadagsa ang publiko ngayong araw ng Undas.
Kaya’t dahil dito, nakipag-ugnayan ang Manila North Cemetery sa Manila Police District (MPD) at sa ibang force multipliers para doblehin ang pagbabantay sa seguridad.
Gayundin ang pagtugon sa mga pangangailangan ng mga pupunta sa nabanggit na sementeryo.
Nabatid na kahapon, pumalo lamang sa 42,422 ang bilang ng mga nagtungo sa Manila North Cemetery kung saan na aabot sa isang milyon ang bibisita ngayong araw mismo ng Undas.
Mahigpit na paalala ng Manila North Cemetery at ng Manila Local Government Unit (LGU), na huwag ng ipilit pang ipasok ang mga bata kung hindi fully vaccinated.
Alas-4:00 ng madaling araw pa lamang ng dumagsa na ang magtutungo dito sa Manila North Cemetery at sa kasalukuyan ay nasa 1,804 ang naitatalang bilang ng MPD na bumisita.
Paalala naman ng MPD, sarado ang ilang kalsada patungo Manila North Cemetery partikular sa Dimasalang, Maceda, Retiro, Blumentritt at Aurora Blvd.