Manila, Philippines – Ilang linggo pa bago mag-undas ay nagsimula nang magpaalala ang pamunuan ng Manila North Cemetery sa mga nakatakdang pumunta sa nasabing lugar ngayong panahon ng Undas.
Ayon kay Manila North Cemetery Dir. Daniel Tan, pansamantalang ipatitigil ang paglilibing sa nasabing sementeryo simula Oktubre 29 hangang Nobyembre a dos ng taong kasalukuyan.
Paliwanag ni Tan, maliban dito ay bawal na ring mag papasok nang sasakyan simula ala sais ng gabi nang nabanggit na petsa.
Dagdag pa ni Tan na hanggang Oktubre 29 din ang huling araw nang pagsasaayos ng mga puntod sa North Cemetery.
Habang nakatakda namang buksan ang gate 2 at gate 3 ng sementeryo sa may A Bonifacio sa November 1 simula alas dose nang tanghali.
Kasabay nito ay patuloy pa rin ang pagbabawal ng pagdadala ng matatalim na bagay gaya ng kutsilyo, ice pick, screw driver, itak at iba pa gayundin ang mga alagang hayup at mga maiingay na bagay gaya ng bluetooth speaker, gitara at ng mga flammable materials gaya ng thinner, gas at iba pa.
Aniya bawal din ang pagdadala nang kahit anong inuming nakakalasing at ano mang bagay na may kinalaman sa sugal.
Bawal din mag sunog sa loob ng sementeryo at babalik sa normal ang kanilang operasyon sa Nobyembre a tres, 2017.
Ito ay para bigyang daan ang bisperas ng Undas at ang mga mismong araw ng kaluluwa.