Manila North Cemetery, naghahanda na para sa Undas

Magbabalik na ang tradisyunal na paggunita ng “Undas” sa Manila North Cemetery o MNC.

Ayon kay Roselle Castaneda, hepe ng MNC, may mga paghahanda na sa sementeryo para sa paparating na Undas 2022.

Sinabi ni Casteñada na batay sa nilatag nilang kalendaryo, simula sa pagpasok ng Oktubre hanggang Oktubre 25, alas-5:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon ay bukas ang MNC para sa mga maglilinis o magpipintura ng mga puntod ng mga pumanaw.


Ang libing at cremation naman ay hanggang Oct. 28 muna.

Sa panahon ng Undas, ang MNC ay bukas sa publiko mula Oct. 29 hanggang Nov 2, alas-5:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon kung saan bawal ang “overnight” sa sementaryo.

Dahil naman may banta pa rin ng COVID-19, kinakailangan ma ang ay mga bibista sa MNC mula Oct. 29 hanggang Nov. 2 ay dapat fully-vaccinated at may booster shot.

Maaari rin makapasok ang mga senior citizen, pero bawal ang mga batang 12-anyos pababa habang kinakailangan pa rin na ang lahat ay nakasuot ng face mask, kahit pa nasa labas.

Bawal naman ang mga vendor sa loob ng sementeryo, maliban sa nagbebenta ng bulaklak at kandila.

Facebook Comments