MANILA PAVILION FIRE | P-Duterte, nagsagawa ng aerial inspection sa paligid ng nasusunog na Manila Pavilion Hotel

Manila, Philippines – Nagsagawa ng aerial inspection si Pangulong Rodrigo
Duterte sa paligid ng nasusunog na Manila Pavilion Hotel sa Maynila.

Mula sa graduation ceremonies sa Philippine Military Academy (PMA) sa
Baguio City, dumiretso ang Pangulo sa pag-iinspeksyon sa pinsala ng sunog
lulan ng helicopter.

Kasama noon ng Pangulo si Special Assistant to the President Bong Go.


Patuloy na inaapula ang apoy sa loob ng naturang hotel kung saan apat na
ang naitalang patay habang isa ang kritikal.

Hindi naman mahanap pa ang dalawa pang staff ng casino na nasa ground floor
ng hotel.

Facebook Comments