Manila, Philippines – Itinanggi ng Philippine Amusement and Gaming
Corporation (PAGCOR) ang ulat na nagsimula sa welding ang sunog sa Manila
Pavilion Hotel and Casino.
Nilinaw din ni Maria Socorro Coleto, corporate director ng Manila Pavilion,
na bagaman pinili ng mga namatay na gampanan ang kanilang mga trabaho ay
hindi naman ito mandato sa kanila.
Nangako rin si Jimmy Bondoc, PAGCOR Assistant Vice President for
Entertainment na handa silang magpaabot ng tulong sa mga naulilang pamilya.
Aniya, makatatanggap ang mga kaanak ng P100,000 bilang ayuda.
Isang diyalogo rin ang idaraos ng PAGCOR kasama ang mga kaanak ng mga
biktima.
Facebook Comments