MANILA PAVILION HOTEL FIRE | Mga grupo ng manggagawa, nag-alay ng mga bulaklak at panlangin para sa mga nasawi sa sunog

Manila, Philippines – Nag-alay ng mga bulaklak at panalangin ang mga militanteng grupo na pinangungunahan ng KMU, Alyansa ng mga Manggagawa Laban sa Kontraktwalisasyon, Defend Job Philippines at Church People -Workers Solidarity sa harapan ng Manila Pavilion hotel sa United Nations Avenue Ermita, Manila.

Ayon kay KMU Chairperson Ed Cubelo, tinawag nilang “Kalbaryo ng Manggagawa” ang naturang trahedya kung saan 6 ang nasawi at 16 ang mga nasugatan sa naturang sunog kasabay ng kanilang panawagan na mabigyan ng hustisya ang pamilya ng mga nasawi dahil sa mga paglabag umano at hindi ligtas ang mga manggagawa sa naturang hotel.

Hinimok ng grupo si Pangulong Duterte at DOLE na agad magsagawa ng impartial at transparent investigation hinggil sa naturang trahedya.


Facebook Comments