Kinumpirma ni Manila Police District Director PBGen. Rolando Miranda na pinamumugaran ng mga kriminal ang mga ginibang barong-barong sa Maisan, Barangay 432 sa Sampaloc, Maynila.
Tiniyak naman ng MPD na bahagi rin ng relocation effort ang ginawang demolition sa lugar at ang 78 na mga pamilya ay inilipat sa isang warehouse na pag-aari ng isang dating Kongresista.
Patuloy din aniya ang pagrasyon ng pagkain sa mga inilikas na residente sa pamamagitan ng paghahatid ng Social Welfare Officers.
Layon din ng rescue effort na maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa lugar at maipatupad ang social distancing.
Bago isinagawa ang demolisyon ay unang inabisuhan ang mga residente na lisanin na ang lugar.
Facebook Comments