Manila Police District, may lead na sa kaso ni Horacio Castillo III

Manila, Philippines – May tinutukoy na ang tiniyak ng Manila Police District (MPD) na persons of interest sa pagkamatay ng UST law student na si Horacio Tomas Castillo, III.

Ayon kay MPD Spokesperson, Supt. Erwin Margarejo – bagamat hindi pinangalanan, patuloy ang follow up operation para matukoy ang mga suspek sa pagkamatay ng 22-anyos na estudyante.

Dagdag pa ni Margarejo – nakikipag-ugnayan na rin sila sa Transport Network Vehicle Service na Uber.


Bagamat naglabas na ng pahayag ang Aegis Juris Fraternity, sinabi ng MPD ay hindi pa rin ito nakikipag-ugnayan sa kanila.

Facebook Comments