Manila Police District, pinag-aaralan ang pagsasagawa ng mass testing para sa detainees sa lungsod

Pinag-aaralan na ng pamunuan ng Manila Police District ang pagsasagawa ng mass testing para sa mga detainees sa lungsod.

Ito ang kinumpirma ni MPD Spokesperson Lt. Col. Carlo Manuel matapos magpositibo sa covid 19 ang 4 na inmates mula sa Sta. Ana Police Station.

Sinabi ni Manuel na kasama sa pinaplano ay ang unahin ang mass testing sa mga MPD station na kabilang sa may mga mataas na kaso ng covid-19 tulad sa Tondo.


Samantala, tiniyak naman ni Manuel na nasa maayos na kalagayan ang iba pang inmates sa Sta. Ana Police Station habang ang apat naman na nagpositibo ay nasa Bahay Marino Quarantine Facility.

Para naman masigurong hindi makakatakas ang mga COVID-19 positive inmates, may mga pulis din aniyang nagbabantay sa bisinidad ng pasilidad.

Facebook Comments