Manila Police District Station-7, may kakaibang community pantry para sa mga nanay ngayong Mother’s Day

Nagsagawa ngayong araw ang Manila Police District (MPD) Station-7 ng “Cupcake in a Cup” Community Pantry para sa mga nanay sa Brgy. 56, Zone-5 sa lungsod ng Maynila.

Ito’y bilang handog sa mga ilaw ng tahanan ngayong Mother’s Day at bahagi rin ng programang “Barangayanihan ng PNP”.

Ayon kay Police Lt. Col. Harry Lorenzo III, binigyan nila ang mga nanay ng grocery, bigas, noodles, tinapay at cupcake habang mayroon din silang pagkain para sa almusal.


Sinabi naman ni Brgy. 56 Chairman Dale Villanueva, bukod sa mga nanay ay nabigyan din ng pagkain, bigas at grocery ang mga senior citizen sa kanilang barangay.

Nabatid na layunin ng community pantry na itinayo ng MPD Station-7 ngayong Mother’s Day ay upang matulungan ang mga mahihirap na residente sa nasabing barangay katuwang ang ilang mga opisyal nito.

Nagpapasalamat naman ang ilang mga nanay na nakatanggap ng tulong sa community pantry dahil malaking tulong ito sa kanila lalo na’t lubos ma naapektuhan ang kanilang pamumuhay dahil sa COVID-19 pandemic.

Facebook Comments