Manila Police, nagsagawa ng relief operations sa pamilyang naninirahan sa gilid ng riles ng tren

Nagbigay ng mga food packs ang mga tauhan ng Manila Police District, Hermosa Station 7 sa 200 pamilya sa Home “Along the Riles” o naninirahan sa tabi ng riles ng tren sa Tayuman hanggang Hermosa.

Layunin ng hakbang ng Manila Police na matulungan ang nabanggit na mga pamilya at mahikayat ang mga ito na sumunod sa batas at umiiral na patakarang manatili sa kani-kanilang mga tahanan.

Kaugnay ito sa ipinapatupad na Enhanced Community Quarantine upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.


Ang nabanggit na aksyon ng Manila Police ay alinsunod din sa hangarin ni NCRPO Police Major General Debold Sinas na bukod sa pagpapanatili ng seguridad at kaayusan ay makapaghatid din sila ng tulong sa mga higit na nangangailangan ngayong may COVID-19 crisis.

Facebook Comments