Tuesday, February 3, 2026

Manila Rep. Valeriano at Cong. Barzaga, hindi dumalo sa ipinatawag na mediation ng DOJ

No show sina Manila 2nd District Rep Rolan Valeriano at Cavite 4th Dist, Rep Kiko Barzaga sa ipinatawag na mediation meeting ng Department of Justice (DOJ) sa Office of the City Prosecutor sa Manila City Hall.

Ito’y kaugnay sa reklamong cyberlibel na inihain ni Valeriano dahil sa mga post at paratang ni Barzaga laban sa National Unity Party (NUP) na kinabibilangan ng kongresista ng Maynila.

Nabatid na layunin ng mediation na mapag-aralan muna kung mareresolba ang usapin ng magkabilang-panig bago mauwi sa tuluyang pagsasampa ng kaso sa korte

Ayon kay Atty. Denison De Silva, abogado ni Valeriano, kasama sa maaaring ialok ay public apology o danyos kapalit ng pag-urong ng reklamo

Pero kung wala naman mapagkasunduan, mauuwi sa preliminary investigation para alamin kung nararapat ng magsampa ng kaso sa hukuman.

Matapos ang pag-uusap, tumanggi ang abogado ni Barzaga na magbigay ng detalye dahil ng isyu ng confidentiality kung saan hindi na rin nagbigay ng pahayag kung bakit hindi nakasipot ang kaniyamg kliyente.

Facebook Comments