Manila, Philippines – Nilinaw ni Manila Social Worker Department Head Naneth Tanyag na hindi nila tinatago ang mga street dwellers habang isinagawa ang 31st Asean Summit sa bansa.
Ang pahayag ay ginawa ni Tanyag matapos na magsisibalikan na naman ang mga street dwellers sa Roxas Boulevard upang ipagpatuloy ang kanilang kalakaran doon.
Paliwanag ni Tanyag, hindi sila nagkulang sa kanilang pagbabantay at pagpapaalis sa mga street dwellers katunayan umano halos araw-araw nagsasagawa sila ng rescue roon pero sa umaga ay bumababa ang mga street dwellers sa Manila, sa hapon naman ay naghahanap buhay at sa gabi ay doon na umano sila natutulog.
Paliwanag pa ng opisyal, ang ibang mga street dwellers ay mayroong mga kaso kaya hindi nakakakuha ng NBI at Police Clearance at ang iba naman ay mayroon kasintahan sa Luneta.
Giit ni Tanyag, mayroon silang programang balik probinsiya kung saan pinapababalik nila sa Cebu, Samar, at Iloilo at sila na mismo ang bumibili ng ticket para matiyak na talagang bumabalik sa probinsiya ang mga street dwellers.