Manila South Cemetery, handa na sa pagdagsa ng mga tao sa undas

Manila, Philippines – Bilang parte ng pagtaya ng seguridad ng mga bibisita at dadalaw sa puntod ng mga namayapang mahal sa buhay sa Manila South Cemetery.

Nagdagdag ang pamunuan nito ng mga CCTV cameras sa loob ng sementeryo.

Ayon kay Manila South Cemetery Administrator Maribel Bueza, mula sa 9 na CCTV cameras nuong isang taon naging labing apat na ito ngayon upang matiyak ang kaayusan at seguridad sa loob ng libingan.
Maliban dito mayruon din aniyang paging area sa main entrance ng Manila South Cemetery.


Ang mga bata na kasama sa sementeryo ay otomatikong kakabitan ng name tag kung saan nakasulat ang contact person at address ng bata saka sakaling ito ay mawala.

At para naman sa mga nakatatanda, mayruong 5 e-trike na maaaring masakyan ng mga hirap sa paglalakad kasama pa ang ilang wheelchair na matatagpuan sa main entrance.

Sinabi pa ni Bueza sapat din ang bilang ng kanilang mga palikuran kung kaya’t hindi na kailangan pa ng mga portalet.

Facebook Comments