Inaasahang papalo sa 12,000 ang bibisita sa Manila South Cemetery ngayong araw, bisperas bago ang Undas.
Ayon kay Manila South Cemetery administrator Jonathan Garzo, mas tataas pa ang foot traffic ngayong araw.
Aniya, may ilan-ilan na rin na inagahan na ang pagdalaw sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay ngayong araw upang di na sumabay sa dagsa ng magpupunta bukas sa mismong araw ng mga patay.
Samantala, patuloy pa rin ang paalala ng kapulisan at ng awtoridad na huwag na magdala ng mga ipinagbabawal na kagamitan upang di na maantala ang pagpasok sa loob ng sementeryo.
Inabisuhan din ang mga dadalaw na may mga dalang sasakyan sa mga ruta na dadaanan upang di na ma-traffic pa at di maantala ang biyahe.
Facebook Comments