Mas maluwag at hindi nagkakaroon ng siksikan sa loob at labas ng Manila South Cemetery ngayong araw ng Huwebes, bago ito pansamantalang isara sa publiko bukas October 29 hanggang November 3.
Ito’y sa bahagi ng South Avenue sa lungsod ng Makati pero ang pamamahala ay mula sa lokal na pamahalaan ng Maynila.
Ayon kay Director Raffy Mendez ng Manila South Cemetery, nasa 30 percent na kapasidad ang kanilang pinapayagan kung saan hindi kasama rito ang mga senior citizens at mga menor de edad.
Tulad ng patakaran ng ibang sementeryo, ipinagbabawal sa pagpasok sa loob ang mga matutulis na bagay, sigarilyo, alak, flammable materials, sigarilyo at mga gamit na nagdudulot ng ingay.
Sinabi pa ni Mendez na kanila rin isasara ang Manila South Cemetery mamayang alas-5:00 ng hapon kaya’t inaabisuhan ang publiko na kung maaari ay tapusin na o lumabas na ng sementeryo bago ang itinakdang oras.
Para masigurong masusunod ang patakaran sa loob ng Manila South Cemetery, patuloy sa pag-iikot ang kanilang mga tauhan katuwang ang mga pulis at barangay.