Manila Water business areas, mananatiling sarado hanggang Sept. 30

41

Wala pa ring magaganap na anumang transaksyon sa lahat ng mga opisina ng Manila Water sa mga lugar na siniserbisyuhan nito.

Ito ang anunsyo ng kompanya matapos ilagay sa Alert Level 4 ang kalagayan ng quarantine status sa buong National Capital Region (NCR).


Base sa abiso ng Manila Water, extended hanggang September 30 ang pagsasara ng lahat ng opisina nito dahil sa patuloy na pagdami ng mga nahahawaan ng virus.

Kabilang sa mga apektadong transaksyon ng Manila Water ay ang pamamahagi ng water bill, pagbabayad at aplikasyon ng mga bagong customers.

Pero naglaan naman ng hotlines ang kompanya para sa mga emergency service habang bukas din ang lahat ng kanilang mga social media operators.

Facebook Comments