Manila Water Company, pangungunahan ang paglilinis ng mga estero sa San Juan City

Nagkusa na ang Manila Water Company na tulungan ang lokal na pamahalaan para linisin ang mga estero sa San Juan City.

Kasunod nito ng kanilang sariling insyatibo para mapanatili ang maayos na kalagayan ng mga tubig sa mga estero hanggang Manila Bay.

Sa isang simpleng seremonya kanina, pinangunahan nina MWC President Jose Rene Almendras, Environment and Natural Resources Secretary Roy Cimatu at San Juan City Mayor Francis Zamora ang pagsisimula ng paglilinis sa Maytunas at Ermitanyo Creek sa Brgy. Addition Hills, San Juan City.


Nagtapon ng Mabuhay Balls ang Department of Environment and Natural Resources (DENR), MWC at San Juan City sa Maytunas creek bilang simbolo ng paglilinis ng nasabing kanal.

Ang Mabuhay Balls ay pinaghalong putik na mayroong micro-organism na kakain sa mga nakalalasong bacteria na nagiging sanhi ng pagdumi ng ilog.

Samantala, hinamon naman ni Secretary Cimatu si Mayor Zamora na linisin nito ang lahat ng estero at kanal sa buong siyudad ng San Juan tulad ng pagsisikap ng pamahalaan na maibalik aa dating ganda at sigla ang maraming ilog sa buong bansa.

Sabi ng kalihim, dapat umanong tularan ni Zamora ang ginagawang mga hakbang ng ibang Local Government Unit (LGU) na nililinis ang mga mga kanal sa kabila ng pagtutok sa pagresolba sa pandemya.

Facebook Comments