Manila Water, hindi ligtas sa penalties kahit nag waive ng isang buwang singilin sa mga naapektuhan ng water shortage

 

Nilinaw ni MWSS Reynaldo Velasco hindi pa lusot sa penalties ang Manila Water kahit pa nagkusa na ito na huwag nang maningil sa  mga residenteng labis na naapektuhan  ng water shortage na nagsimula sa unang linggo nitong Marso.

 

Gayundin ang pagkansela sa minimum charge na 10 cubic meters sa lahat ng kanilang mga consumers para sa April billing.

 

Aniya, batid naman ng Manila Water na dadaan sa pagbusisi ng MWSS regulatory body ang na ang usapin kung may nilabag ang Manila Water sa concession agreement.


 

Ayon kay Velasco, hindi nila mapipilit ang Manila Water na magbigay ng sobra sa kanilang kakayahan.

 

Nauna nang binigyan ng limang araw ng  MWSS ang Manila Water na  magbigay ng katanggap tanggap na ulat sa nangyaring water shortage upang hindi sila mapatawan ng parusa.

 

Handa naman umanong magresign si MWSS Reynaldo Velasco sakaling hindi masiyahan si Pangulong duterte sa mga hakbangin ng Manila Water para maibalik ang normal na suplay ng tubig.

Facebook Comments