Pinawi ng Manila Water ang pangamba ng publiko na posibleng magresulta sa mas malawak na problema ang pagsadsad sa critical level ng Angat Dam.
Ayon kay Manila Water Communication Manager Dittie Galang, mayroon na silang contingency plan tulad ng pakikipag-usap sa ibang pribadong water company para makatulong na pagkunan ng supply ng tubig.
Aniya, mayroon na rin silang isinasagawang rehabilitayson sa mga deep well na maaaring pagkunan ng supply.
Giit pa ni Galang, pinanghahawakan rin nila ang pahayag ng National Water Resources Board (NWRB) na hindi maaapektuhan ng antas ng tubig sa Angat Dam ang domestic consumption dahil ang babawasan lang ay ang alokasyon sa mga irigasyon.
Facebook Comments