Humingi ng paumanhin si Manila Water Chief Executive Officer Ferdinand Dela Cruz sa publiko kaugnay sa biglaang kakapusan sa suplay ng tubig noong nakaraang linggo sa Metro Manila, Rizal at Cavite.
Naiintindihan ni dela Cruz na marami ang nagtiis at gumawa ng iba’t ibang diskarte para lang may magamit na tubig.
Kasabay nito ay inako ng Manila Water CEO ang pananagutan sa nangyaring krisis sa tubig kung saan sinabi nitong binigo niya ang mga customer ng Manila Water na nakaranas ng mahabang water interruption.
Nakahanda namang magbitiw sa puwesto si Dela Cruz subalit sa ngayon ay prayoridad muna nila na mapanumbalik ang water services.
Inirekomenda naman nito na para maiwasan ang ‘pila-balde’ sa mga barangay ay tutugunan nila ang kasalukuyang problema sa pamamagitan ng mas pinaigting na water availability at sustainable relief sa mga lugar na walang tubig na higit pa sa water tanker delivery.