Maghanda ang mga konsumidor ng Manila Water sa halos 30 pesos na dagdag singil sa kanilang tubig.
Ito ay kasunod ng multang ipinataw ng Korte Suprema sa mga Water Concessionaire dahil sa hindi pagsunod sa Environmental Laws.
Nagbabala ang Manila Water ng 780% na increase sa water rates o katumbas ng 26.70 Pesos kada cubic meter kapag hindi nabaligtad ang desisyon ng Korte Suprema.
Sa statement, sinabi ng Manila Water na kapag pinagawa sa kanila sa loob ng limang taon ang isang 40-year project, daan-daang bilyong piso ang kailangan na magreresulta ng taas-singil sa tubig.
Asahan din ang matinding trapiko sa mga kalsadang sakop ng Manila Water.
Iginiit ng Manila Water na sumusunod sila sa Sewerage Responsibilities nito sa ilalim ng Clean Water Act at hindi dapat sila patawan ng multang aabot sa 921 Million Pesos.