Pinagbabayad ng danyos sa mga public hospitals na apektado ng krisis sa tubig ang Manila Water.
Iginiit ni Akbayan Party-list Rep. Tom Villarin na dapat magbayad ang Manila Water sa Department of Health (DOH) para sa mga pagamutan na kinapos sa suplay ng tubig at nakaantala sa kanilang serbisyo.
Dahil aniya sa kakapusan sa tubig, ang water crisis ay muntik mauwi sa health crisis.
Tumanggi na ang ilang mga ospital sa mga pasyente at ang ilan ay napipilitan na uminom sa hindi ligtas na water supply.
Batay sa datos ng DOH, nasa 4.1 million ang nawalang kita mula sa anim na pampublikong ospital na apektado ng water interruption.
Kabilang sa mga ospital na ito ang Rizal Medical Center, Quirino Memorial Medical Center, National Kidney and Transplant Institute (NKTI), National Center for Mental Health, East Avenue Medical Center at Amang Rodriguez Memorial Medical Center.