Manila Water, pinagpapaliwanag kaugnay sa water shortage

Mayroon lang limang araw ang Manila Water para idepensa ang nangyaring water shortage.

Ito ay matapos maipadala ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System o MWSS ang notice of violation sa Manila Water.

Ayon kay MWSS Regulator Patrick Ty, dapat ipaliwanag ng Manila Water kung bakit hindi sila dapat mapatawan ng parusa.


Aniya, bibigyan nila ng patas na pagtrato bago maglabas ng desisyon.

Maaari rin naman aniyang dumulog ang Manila Water sa isang arbitration body kung mayroon itong nais iapela sa desisyon ng MWSS.

Sabi ni Ty, pinag-aaralan pa nila ang posibilidad na pag-aalok ng rebate o refund sa mga naapektuhan ng water shortage.

Gayundin ang panukalang libre na ang March water bill.

Facebook Comments