Mahigit isang bilyong piso ang ipinataw ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na dapat bayaran ng Manila Water matapos ang naranasang krisis sa suplay ng tubig sa Metro Manila at mga bayan sa Rizal noong Marso.
Ayon kay MWSS Administrator Reynaldo Velasco, mula sa multang P1.134 Billion, P532.05 Million rito ang multa habang P600 Million naman ay gagastushin para makapagpagawa ng bagong water supply source.
Aniya, bahagi ito ng sanction ng MWSS laban sa Manila Water matapos ang water shortage.
Giit ng MWSS, nilabag ng Manila Water ang kanilang obligasyon sa ilalim ng concession agreement na makapagbigay ng tuluy-tuloy na serbisyo sa kanilang customers sa East Concession Zone.
Facebook Comments