Tiniyak ng Manila Water na hindi nila ipapasa sa mga kustomer ang multang ipinataw sa kanila ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) dahil sa nararanasang water crisis.
Ito ang pahayag ni Ayala Corporation President Fernando Zobel De Ayala.
Ayon kay Ayala – ang halagang kanilang babayaran ay malaki ngunit napagdesisyunan ng board na tanggapin na lamang ito.
Samantala, muling humingi ng paumanhin si Ayala sa nangyaring water service interruption ngunit iginiit na matagal na silang nagbabala tungkol dito dahil walang bagong mapagkukunan ng tubig para sa Metro Manila.
Nahaharap ang Manila Water sa ₱534 milyong multa at ₱600 milyong pondo ang ipinagagastos para sa isang bagong pagkukunan ng tubig.
Facebook Comments