Manila Zoo, muling bubuksan sa publiko

Muling bubuksan sa publiko ang Manila Zoological and Botanical Garden o mas kilala bilang Manila Zoo bago ang panahon ng Kapaskuhan.

Mismong si Manila City Mayor Honey Lacuna ang nagkumpirma nito kasunod na rin ng mga tanong kung kailan ba ang reopening ng Manila Zoo.

Matatandaan na pansamantalang isinara ang Manila Zoo mula noong Hunyo 2022 para tapusin ang ilang mga gawain dito at makumpleto ang rehabilitasyon.


Ayon kay Mayor Honey, makakaasa ang publiko na ma-e-enjoy at makakapamasyal na sila muli sa Manila Zoo sa Christmas season.

Pero, hintayin na lamang muna ang pormal na anunsyo ng petsa kung kailan ang reopening.

Sa ngayon ay puspusan pa rin ang pagsasaayos at pagpapaganda ng tauhan ng lokal na pamahalaan ng Maynila sa Manila Zoo.

Aminado naman ang mga taga-pangalaga ng Manila Zoo na halos araw-araw ay may dumarating na mga bisita para magbaka-sakaling makapasok dito pero hindi nila ito pinapayagan.

Ang ibang bisita na nanggaling pa sa mga probinsya at may mga dayuhan din ay dismayado kung saan hindi nila alam na hindi pa pala bukas ang Manila Zoo.

Facebook Comments