Manila Zoo, target mabuksan bago matapos ang taon

Target ng pamahalaang lungsod ng Maynila na muling buksan sa publiko ang Manila Zoo sa Disyembre.

Ito ang inanunsyo ni Manila Mayor Isko Moreno matapos niya itong inspeksyunin kahapon kasunod ng isinasagawang rehabilitasyon sa zoo.

Ayon kay Isko, mabilis ang development ng Manila Zoo na tinuturing na kauna-unahang zoo sa Asia.


Kabilang sa nadagdag sa zoo ang aviary, safari, mga reptiles at butterfly farm tulad ng sa Dubai.

Bibili rin ng gold card ang Manila LGU na magagamit ng mga senior citizen sa lungsod kasama ang kanyang pamilya.

Walang pinutol na puno sa nasabing rehabilitasyon na nagsimula pa noong 2019 kasabay ng pagsasara ng zoo.

Facebook Comments