Manlalaro ng Philippine team na sasabak sa 29th SEA Games, nabawasan na naman

SEA Games – Nalagasan na naman ng mga miyembro ang Philippine team na lalahok sa 29th Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia, na magsisimula na sa Agosto 19.

Hindi na kasi makakasali ang figure skater na si Samantha Mary Lynn Cabiles dahil sa problema sa kalusugan.

Gayundin si track cyclist Kristian Emmanuel Reyes na na-injury naman habang nagte-training sa South Korea.


Una ng na-pull out ni Philippine chief-de-mission Cynthia Carrion ang mga gymnast na sina Rachele Arellano at Adrian Mirasol Apuyan.

Mula sa 497 atleta ay 493 na lamang ang lalahok sa 37 sports events sa SEA Games.

Facebook Comments