MANLINGKOR YA KALANGWERAN (MYK) OFFICIALS SA DAGUPAN CITY, NAG-UMPISA NANG MAGLINGKOD

Nag-umpisa nang maglingkod ang pitumput-limang estudyante mula Public at Private Secondary Schools ng Dagupan na nahirang bilang Young City officials sa pagbabalik ng Manlingkor Ya Kalangweran (MYK) program ng lokal na pamahalaan.
Ide-deploy sa kanilang mga tungkulin bilang Young City Officials mula Mayor, Vice mayor, Councilors at Department heads ang mga estudyante.
Naglalayon ang programang ito na maturuan ang mga kabataan upang maging mahusay na leader.

Sumailalim ang mga MYK sa leadership workshop training na ginagawa ng Department of Education Schools Division Office at hinimok sila ng alkalde ng Dagupan City na maging advocates ng good governance, compassion, efficiency at transparency.
Sa pamamagitan ng programang ito, matutulungan ang mga kabataan na maipamalas ang kanilang leadership skills na posibleng maging daan para sila’y maging future leaders. |ifmnews
Facebook Comments