MANLOLOKO? | Administrasyong Duterte, inakusahan ni Senator Trillanes ng pagsisinungaling sa buong mundo

Manila, Philippines – Para kay Senator Antonio Trillanes IV, ang pagtanggi ng Administrasyong Duterte na mayroong nagaganap na Extra Judicial Killings (EJK) sa bansa ay malinaw na hayagang pagsisinungaling sa buong mundo.

Giit ni Trillanes, alam ng buong mundo ang tungkol sa mga kaso ng patayan dito sa Pilipinas kaugnay sa gera kontra ilegal na droga.

Ayon kay Trillanes, ang nabanggit na mga patayan ay nasaksihan at naidokumento ng nakaraming mapagkakatiwalaang sektor, mga indibidwal at mga organisasyon sa loob at labas ng bansa.


Kasabay nito ay binalaan din ni Trillanes ang mga tagapagsalita at tagapagtanggol ng administrasyon.

Diin ni Trillanes, malinaw ang nakasaad sa Rome statute na ang mga ito ay damay at mapaparusahan kaugnay sa umano ay nagaganap sa bansa na krimen laban sa sangkatauhan.

Facebook Comments