
Tiniyak ng Department of Migrant Workers (DMW) na hahabulin nila ang manning agency na nag-abandona sa anim na Filipino seafarers sa isang barko sa Iloilo.
Ayon sa DMW, partikular na may nalabag ang manning agency sa recruitment at substitution, gayundin sa delayed na pagpapasahod sa Pinoy seafarers at ang pag-abandona sa mga crew ng barko.
Kinumpirma naman ng DMW na suspendido na ang lisensya ng Erika Crew Manning Services Inc.
Bukod sa anim na Pinoy, pitong Indian nationals din na sakay ng M/V Hirman Star ang stranded sa Iloilo Strait ng halos tatlong buwan.
Ang mga stranded na Indian crew ay dinalhan din ng DMW ng mga pagkain at ng mga pangunahing pangangailangan.
Tinutulungan na rin sila ng Bureau of Immigration para makababa ng barko.
Facebook Comments









