Manny Pacquiao at Hidilyn Diaz, nagpaabot ng suporta kay Eumir Marcial

87

Nagpaabot ng suporta si eight-division world champion Manny Pacquiao kay Eumir Marcial makaraang umusad sa semifinals ng men’s boxing tournament sa 2020 Tokyo Olympics.

Matatandaang tinalo ni Marcial ang pambato ng Armenia na si Arman Darchinyan via knockout.


“Let’s go Eumir Marcial!” tweet ni Pacquiao.

Taong 2020, nang pumirma ng kontrata sa Manny Pacquiao (MP) Promotions si Marcial.

Nag-training din siya sa Wild Card Gym sa ilalim ni Hall-of-Fame trainer Freddie Roach.

Samantala, bukod kay Pacquiao, todo suporta rin sa Pinoy boxer ang kapwa Olympian na si Hidilyn Diaz na una nang nakasungkit ng gold medal sa Summer Games.



“Go Eumir! Congratulations… Go for gold. Go, Team Pilipinas. Kaya natin ito. ‘Di tayo susuko. Laban lang Pilipinas,” saad ni Diaz sa kanyang video message.

Nabatid na dahil sa panalo ni Marcial, tiyak na ang kanyang bronze medal sa Olympics.


Facebook Comments