Manny Pacquiao at Jeff Horn, dumalo muna sa Brisbane Boxing Legends Reception bago ang nakatakdang weigh-in

86

Australia – Dumalo muna sina Manny Pacquiao at Jeff Horn sa isinagawang Brisbane Boxing Legends (BBL) bago ang nakatakda nilang weigh-in.

Isinagawa ang programa sa Brisbrane Convention Center (BCC) kung saan dumating din ang ilang malalaking pangalan sa boxing kabilang sina Roberto Duran, Timothy Bradley, Joseph Parker at ang sikat na announcer na si Michael Buffer.

Agaw atensyon naman sa programa ang pagyakap ni pacquiao kay Duran noong umakyat ito sa stage.


Matatandaan na nauna nang nasabi ng All-time Great Boxer na si Duran na mas boto siya kay Horn at kaya daw nitong manalo kotra sa Pambansang Kamao.

Facebook Comments