Manny Pacquiao, kinumpirma na tatakbo muli sa Halalan 2022

159
Facebook/ Manny Pacquiao

Kinumpirma ni Senator Manny Pacquiao na tatakbo siyang muli sa Halalan 2022 ayon sa kaniyang panayam sa “Tunay na Buhay” ni Pia Arcanghel.

Inamin ni Pacquiao na hindi niya pa alam kung anong posisyon ang kaniyang tatakbuhan sa susunod na eleksyon dahil mayroon pa siyang pangalawang termino upang tumakbo muli sa Senado.


Ani Pacquiao, mahalaga sa kaniya ang “paglingkod sa bayan” at sinabing hindi siya sumuko sa tungkulin. Hindi niya rin inalintana ang mga taong bumatikos sa kaniya.

Ipinahayag din ni Manny na hindi pa siya magreretiro sa boksing ngunit hindi niya pa alam kung sino ang susunod na makakalaban.

“Lalaban pa ako. Garantisado tinitiyak ko sayo [inyo] na boxer ang makakalaban ko,” biro niya.

Nitong Hulyo 21, natalo ni Pacquiao ang American boxer na si Keith Thurman sa Las Vegas, Nevada at nakuha ang titulong WBA Welterweight Super Champion.

Si Manny Pacquiao ay kasalukuyang senador ng Republika ng Pilipinas at tinaguriang “Pambansang Kamao” na may 8 World Division Titles sa larangan ng boksing.

Facebook Comments

From Advertisers