Manny Pacquiao, patutunayang kaya niyang manalo laban kay Jeff Horn

98

Manila, Philippines – Tiniyak ni Manny Pacquiao na handa na siya sa laban nila ni Jeff Horn sa Hulyo a-dos.

Ayon kay Pacman, nais niyang patunayan na hindi pa siya laos sa boxing kaya desidido itong manalo.

Hindi rin aniya siya nababahala na mas bata sa kaniya ang kaniyang kalaban.


Aminado naman si Pacquiao na may mga pagbabago sa kaniyang lakas at bilis kumpara noong ito ay bata pa pero naayos naman aniya nila ito sa kanilang ginagawang mitinding workout.

Facebook Comments