Manila, Philippines – Pabalik na sa bansa si Pinoy Boxing Legend Manny Pacquiao, ilang araw matapos ang naging laban nito kay Adrien Broner.
Mula Los Angeles, inaasahang darating sa Maynila ang pambansang kamao mamayang gabi.
Kasama ni Pacquiao pabalik ng maynila si Matchmaker Sean Gibbons na siyang nagdala ng kanyang laban sa Amerika.
Samantala, bago umalis, ipinakita ni Pacquiao sa media ang gumagaling niyang injury.
Facebook Comments