Manny Pacquiao, sinimulan na ang training para sa kaniyang laban sa Hulyo

52

Manila, Philippines – Nagsimula na ang light training ni eightdivision world champion Manny Pacquiao para sa nakatakdang laban nito kontrakay Australian boxer na si Jeff Horn sa Hulyo a-dos.
 
Ayon kay Pacquiao, araw-araw na ang kaniyang magiging gym kungsaan kasama ang punch mitts, punching bag, speed ball at iba pa.
 
Habang magiging intense na ang kaniyang training pagsapit ng June.
  
Sa ngayon, habang nasa light training pa ay nakatutok ang team Pacquiaosa jogging at ladder para makondisyong muli ang mga binti ng fighting senator.
 
Samantala, aminado si Nonoy Neri, conditioning coach ni Pacman nanadagdagan ng timbang ang mambabatas.
 
Sa kabila nito ay kumpiyansa siya na pagkatapos ng isang linggongstraight training ay muling makakabawi si Pacquiao at makakabalik sa eksaktongtimbang.

Facebook Comments