Manny Pacquiao todo-ensayo para sa first major concert

421
Screenshot via Manny Pacquiao IG story

Puspusan na ang pagsasanay ni Senador Manny Pacquiao para sa kaniyang susunod na laban – sa entablado ng Araneta Coliseum.

Sa ibinahaging Instagram short video nitong Biyernes, todo-ensayo si ‘Pambasang Kamao’ sa pagkanta ng sikat na OPM songs na “Pagsubok” ng Orient Pearl at “Buwan” ni Juan Karlos (JK) Labajo.


“I don’t know if I can do it… but I’ll try, do my best,” pahayag ni Pacquiao sa kaniyang 5.4 million Instagram followers.

Muling maririnig ng mga tagahanga ni ‘Pacman’ ang talento nito sa pag-awit sa darating na Setyembre 1. Libre sa publiko ang kaniyang kauna-unahang major concert.

Magaganap ang musical performance ng mambabatas isang buwan matapos manalo bilang World Boxing Association (WBA) welterweight champion kontra sa Amerikanong boksingero na si Keith Thurman noong Hulyo.

Facebook Comments

From Advertisers