Manny Villar, nanguna sa pinakamayamang Pilipino

Manila, Philippines – Nanguna si dating senate president at businessman Manny Villar bilang pinakamayamang Filipino batay sa Forbes’ 2019 List of the World’s Billionaire.

Ito ang kauna-unahang beses na nanguna si Villar sa listahan matapos itong pangunahan ni Henry Sy Sr. sa loob ng 11 taon.

Batay sa Forbes, may estimated net worth si Villar na 5.5 billion dollar at pang-317 sa buong mundo.
Maliban kay Villar, pasok rin sa listahan sina
· Lucio Tan ($4.4 billion)
· Tony Tan Caktiong & family ($3.9 billion)
· Ramon Ang ($2.9 billion)
· Andrew Tan ($2.7 billion)
· Hans Sy ($2.4 billion)
· Herbert Sy ($2.4 billion)
· Harley Sy ($2.2 billion)
· Henry Sy Jr. ($2.2 billion)
· Teresita Sy-Coson ($2.2 billion)
· Elizabeth Sy ($1.9 billion)
· Eduardo Cojuangco ($1.4 billion)
· Roberto Coyiuto Jr. ($1.4 billion)
· Ricardo Po Sr. & family ($1.2 billion)
· Roberto Ongpin ($1.1 billion)


Ang pinakamayamang tao naman sa buong mundo ay si Amazon founder at CEO Jeff Bezos na tinatayang may net worth na 131 billion dollar.

Ito na ang ikalawang sunod na taon na nanguna sa listahan si Bezos.

Facebook Comments